Chapter 0:

Simula : Livelihood Dungeon!

Livelihood Dungeon! (Tagalog Version)


Magiliw na nagwawalis at pasipol-sipol pa ang isang lalaki sa bakanteng karinderya. Makaraang makawalis ay inagiwan at pinalisan naman nito ang kisame at mga kagamitan sa karinderya.

"Peter halika saglit dito sa kusina!" Pasigaw na utos ng isang boses.

"Andyan na po aling Martha!" Ganting sigaw ng lalaking nagmamadali pang tumungo sa pinanggalingan ng tawag.

Pagdating sa kusina ni Peter ay agad na tumambad sa kanya ang matabang pigura ng isang may katandaan ng babae. Ito ang amo ni Peter. Ang may-ari ng karinderyang si aling Martha.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo aling Martha?" Magiliw na tanong ni Peter.

"Ikaw ang magkaliskis ng mga tilapia, Peter. May nakalimutan akong bilhin sa palengke." Utos ng matandang babaeng mataba sa lalaki.

"Pero hindi po ako marunong n'yan aling Martha." Matinding pagtanggi ni Peter sa ale.

"Matututunan mo ba kung hindi mo pag-aaralan? Sumunod ka na lang. S'ya sige aalis na ko. Baka may dumating pang customer. Mahirap na baka mawalan pa tayo ng mga regular." Walang nagawa si Peter kundi sumunod sa gusto ng ale.

Pinapagpapawisang tinitigan ni Peter ang mga tilapiang mahihina na ngunit humihinga-hinga pa sa palangganita.

Diniinan n'ya ang pagkakahawak sa sobrang talim na kutsilyo. Wala sa sariling sunod-sunod na napalunok si Peter.

Maya-maya pa'y mabagal n'yang tinutok sa mga tilapya ang talim ng hawak na kutsilyo. Sa ginawa'y patindi rin nang patindi ang panginginig ng kamay na may hawak dito. Unti-unting naubos ang kulay ng mukha n'ya nang hindi sinasadyang mapatingin s'ya sa mata ng mga tilapia.

"Hi.. hindi ko talaga kaya." Nangingilid-luhang sambit ni Peter sa matamlay n'yang boses.

Kakatwang isiping ang isang simpleng gawaing pagkakaliskis ng isda para sa iba ay mahirap sa lalaki. Ngunit iyon ang katotohanan.

"Matatalo ko pa yata ang personal record ko." Napakagat-labing sambit ni Peter sa sarili.

Ang tinutukoy ni Peter na personal record ay ang pagkakatanggal sa trabaho. Ang pinakamatulin n'yang pagkaka-fire currently ay isang linggo. Samantalang nanganganib s'ya ngayong matanggal sa unang araw pa lang n'ya. Kahapon lang s'ya nag-apply kay aling Martha.

Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito si Peter? Kung bakit hindi na lang n'ya kaliskisan ang mga isda upang hindi s'ya matanggal.

Iyon ay hindi lang mahirap kay Peter. Isa itong imposibleng bagay para sa kanya.

May sikreto si Peter.

Mula pagkabata ay hindi na n'ya kayang manakit o pumatay ng anumang nilalang. Ito ang kanyang nature bilang tao.

Kung tatanungin mo si Peter kung bibigyan s'ya ng pagkakataon, gugustuhin n'ya bang mabago ang katangian n'yang ito?

Matulin at walang pagdadalawang-isip na sasagutin n'yang hindi. Hindi n'ya ito babaguhin. Sapagkat 'yon ang sa tingin n'ya ay tama. Mahal ni Peter ang lahat ng likha ng Maykapal.

Sa mga palabas nga at mga anime na napanood n'ya mula pagkabata ang hilig n'yang mga tauhan ay ang mabubuting nilalang. At kung tatanungin mo s'ya kung sino ang pinakapaborito n'ya ay isa lang ang isasagot n'ya.

"Yung malaking bulas na lalaking android na sobrang buti sa kabila ng purpose ng pagkakagawa sa kanya. Tumatak sa isip ko ang kabaitan n'ya. Sa isang scene, iniwas n'yang matapakan ang isang lupon ng mga langgam na hindi n'ya agad napansin. Pati na rin ng nakasandal s'ya sa puno ay tinuntungan s'ya ng mga maiilap na ibon dahil napansin nila ang good nature n'ya. He is so cool. I want to be like him." Proud na sagot ni Peter laging nakakatanggap ng mga wirdong tingin.

Sa simula, wala namang problema ang pag-uugaling 'yon ni Peter. Ngunit sa katagalan, sa pagtanda n'ya, sa pagpasok n'ya sa mga trabaho ay naging hadlang ito sa kanyang pag-asenso.

Nanghihinang binitawan ni Peter ang kutsilyo sa may lababo. Nag-desisyon s'yang hindi na lang gawin ang pinag-uutos sa kanya ni aling Martha. Ngayon pa lang ay hinahanda na n'ya ang sarili sa pananabong malamang ay matanggap n'ya sa amo.

Maya-maya pa, dumating na nga si aling Martha.

"Kumusta Peter. Nagawa mo na ba ang pinag-uutos ko sa iyo?" Tanong ng bagong dating na amo. Pinunasan nito ang pawisang katabaan.

"Hindi ko po nagawa aling Martha. Hindi ko po kaya." Nahihiyang paliwanag ni Peter sa ale.

"Labas!" Turo nito sa pintuang palabas ng kusina.

"Aling Martha bigyan mo po ako ng isa pang chance." Pagmamakaawa ni Peter.

"Naku! Naku! Hindi na. Nabalitaan ko na talaga ang kawirduhan mong bata ka dati pa. Nahihiya lang ako sa ama mo dahil kaibigan ko s'ya. Pero ngayong nasaksihan ko na ang kawirduhan mo, hindi na kita pwedeng tanggapin sa trabaho. Alis na pasaway na bata. Wala kang silbi. Nakakaawa mga magulang mo. Layas!" Nanggigigil na saad ni aling Martha.

Wala nang nagawa si Peter kundi umalis sa trabaho.

...

Lumipas ang mga buwan.

Kasalukuyang nag-aararo sa putikan si Peter sa kanilang sakahan. Kasama n'yang nagbabanat ng buto si Carabao-kun. Siya ang alaga nilang kalabaw na gamit ng kanilang pamilya sa pagsasaka.

Kuntento naman sa buhay n'ya sa kasalukuyan si Peter. Walang pipilit sa kasalukuyan n'yang sitwasyon ang kumitil ng buhay. Kailangan n'ya lang namang mag-araro at wala ng iba. Sobrang simple na lang noon sa kanya.

Maya-maya lang ay napabuntong hininga na si Peter.

Naalala n'ya ang araw na natanggal s'ya sa trabaho n'ya sa karinderya ni aling Martha.

...

Inabot s'ya nang suntok sa sikmura galing sa kanyang ama.

"Palpak ka na naman. Hindi ka na nagtandang bata ka. Sa bukid ka na rin magtatrabaho. Wala nang kokontra. Kung ayaw mo sa utos ko makakaalis ka na." Galit na ultimatum ng ama ni Peter.

Sa sumunod na araw aksidenteng narinig ni Peter ang pag-uusap ng magulang patungkol sa kanya.

"Ang taas pa naman ng pangarap ko sa batang 'yan. S'ya man lang makaahon sa kahirapan. Hindi magaya sa'ting puro pagsasaka lang. Wala tayong tyansang yumaman. Una, huminto s'ya sa pag-aaral para magtrabaho. Tapos wala naman s'yang matagalang trabaho. Ano ba 'yan?" Naglalasing na reklamo ng ama ni Peter.

Sumandal sa pader si Peter at nagpakawala ng isang buntong-hininga.

...

"Teka lang Carabao-kun tuluyan ng nasira ang bota ko." Malambing na hinimas ni Peter ang alagang kalabaw.

Pumunta s'ya sa harapan ni Carabao-kun upang tingnan ang botang nasira na sa kalumaan. Ngunit may naalala s'ya. Ngayon nga pala ang update ng manga adaptation ng Japanese light novel na 'yon.

Dinukot ni Peter sa bulsa ang cellphone at tinurn-on ang data.

Maya-maya lang ay humahagalpak na ng tawa ang binata.

"Loko itong si truck-kun. Pinadala si taba sa ibang mundo." Komento ni Peter sa istoryang binabasa.

Masyadong absorbed si Peter sa pagbabasa na nalimutan na n'ya ang orihinal na pakay sa pagpapahinga.

Ilang taon na ring nauuso ang mga light novels ng big 3 ng Asya, namely Japan, China at Korea. They took the world, not only Asia by storm.

Sobrang marami panatikong naaadik sa pagbabasa ang big 3. Isa na nga roon si Peter. While he like the three countries works, Peter prefers to read Japanese light novel the most. Ang kultura ng Japan ang pinakamalapit sa pag-uugali n'ya.

Sa katunayan, sa sobrang kaadikan n'ya sa mga Japanese novels ay pinangalanan n'ya na ang kalabaw nila sa istilong Hapon. Doon nabuo ang pangalang Carabao-kun. Masasabi mong kinain na ng Japanese novels ang utak ni Peter.

"BANG!" Biglang dagundong sa katahimikan.

Sa sobrang immersion ni Peter sa binabasa ay hindi n'ya man lang narinig 'yon. O napansing nag-papanic na ang alaga n'yang si Carabao-kun.

Kaya naman hindi s'ya naka-react ng sinuwag s'ya ng alaga ng walang kalaban-laban.

"E?" Gulat na reaksyon ni Peter.

"BANG!" Tunog ng pagtilampon ng binata.

Napadapa ang binata sa putikan. Samantalang si Carabao-kun ay tumatakbo na palayo sa pagpa-panic sa pagsabog ng paputok.

May paputok sapagkat ilang linggo na lang sasapit na ang bagong taon. Sa Pilipinas, ang mga tao ay masyadong excited sa Bagong Taon. Ilang linggo o buwan pa lang ay nagse-celebrate na sila sa pamamagitan nang pagpapaputok.

Ilang segundo pa ang nagdaan ay hindi man lang kumikislot sa pagkakadapa ang binata.

Iyon ay nakapagtataka. Malambot ang putikan. Maya-maya pa ay umagos na ang maraming dugo mula sa ulunan ni Peter.

...

Kinagabihan ang pagdadalamhati ng mga magulang ni Peter ang naging sentro ng usap-usapan sa payak nilang nayon.

Kasalukuyang nakapalibot ang mga Marites, Mosang at Tolits sa bakuran ng mga magulang ni Peter. Rinig na rinig ng mga tsismoso't-tsismosa ang paghagulgol ng dalawa.

Minalas si Peter.

Sa dinami-dami ba naman ng babagsakan doon pa talaga sa tanging pwestong may batong nakausli sa sakahan nila.

...

"Anong gagawin natin sa kalabaw na ito asawa ko?" Tanong ng nanay ni Peter sa ama ng binata.

"Ipakatay na lang natin. Hindi ko kayang tingnan 'yang hayop na pumatay sa anak ko." Galit na sabi ng ama ni Peter.

Pagdating nila sa lugar kung saan nagsasaka si Peter, sa kanilang pagkarimarim ay natuklasan nilang nalagutan na ng hininga anak nila.

Napansin agad ng ama ni Peter ang nagwawalang kalabaw. Doon natanto agad ng ama ang tunay na naganap.

"Sige!" Pagsang-ayon ng ina ni Peter.

"Mawalang-galang na po, ano? Kakatayin n'yo po yung kalabaw? May naka-witness po sa totoong nangyari hindi ba? Aksidente po ang nangyari. Hindi sinasadya ng kalabaw ang pagkakasuwag n'ya sa anak n'yo. Nagulat s'ya sa pagputok. Huwag n'yo pong ipakatay." Pagsabat ng isang concern na kababaryo.

"Pakakatay ko 'yan." Galit na giit ng ama ni Peter.

"Ganito na lang po manong. Bibilhin ko na lang po ang kalabaw. Bata pa naman ang alaga n'yo at mapapakinabangan pa. Gagamitin po namin sa bukid namin." Offer ng lalaki.

"Hindi! Hindi!" Giit ng ama ni Peter.

"Saan n'yo po kukunin ang pagpapalibing kay Peter?" Tanong ng lalaking nagpatameme sa ama.

Kaya napilitan naman ang amang ibenta ang kalabaw para sa kapakanan ng namatay na anak.

...

"Pare nabili mo?" Tanong ng isang nakangising lalaki sa bumili kay Carabao-kun.

"Oo. Dapat s'yang gantimpalaan dahil sa pagpatay n'ya sa salot na 'yon." Nakangising sabi nito.

Maraming pasimpleng galit kay Peter sa kanilang lugar dahil sa kawirduhan n'ya. Isa na nga ang grupong ito. Tuwang-tuwa sila ng mabalitaang namatay ito at sa kamay pa ng sariling alaga.

"Ang sama-sama mo dre. Binili mo dahil pinatay n'ya yung salot lol." Sarkastikong biro nito.

"Hindi naman. Totoo namang mapapakinabangan ko rin itong kalabaw na ito sa bukid namin. S'ya una na ko pare." Paalam ng lalaki. Hila-hila ang kalabaw na si Carabao-kun.

...

Lilingap-lingap ang naguguluhang si Peter. Tanging puting malaking kwarto lang ang nakikita n'ya.

Nasaan ako? Nagugulumihamnang tanong sa sarili ng binata.

Ospital ba ito? May pagdududang espekulasyon ni Peter.

Naalala n'ya ang huling nangyari bago s'ya mawalan ng malay.

Napansin n'yang sinuwag s'ya ng alaga n'yang si Carabao-kun habang nagbabasa s'ya. Ang sumunod at huling naalala n'ya ay ang sobrang sakit n'yang ulo. Nang maalala n'ya 'yon ay agad na dumapo ang kamay n'ya sa kanyang noo.

"Huh?" Nagtataka n'yang sabi.

"Walang sugat? Nanaginip lang ba ako? Kung gayon, nasaan ako ngayon?" Si Peter pa rin.

Hindi n'ya namamalayang may nagmamasid sa kanya sa malapit lang.

Hanggang sa dumating na nga nang walang pasabi ang isang magandang babae sa harapan n'ya ng hindi n'ya napapansin.

"Anong pakiramdam mo, Peter?" Tanong ng misteryosang magandang dilag, nakangiti.

Napamaang si Peter. Unang beses pa lang n'yang makakita sa malapitan ng ganito kagandang babae. Bilang bonus pa ay kinakausap s'ya nito.

Nang makabawi ay napangiti si Peter na parang tanga sa babae.

"Okay naman. Teka? Alam mo ang pangalan ko?" Gulat na tanong ni Peter.

"Oo naman. Ako nga pala si --" Magpapakilala na sana ang magandang dilag nang sumabat si Peter.

"Nurse ka ba, miss?"

"Hindi." Tipid na sagot nito. Nawala ang ngiti nito sa mga labi.

"Kung ganoon ano ka?" Si Peter.

"Pwede bang pagsalitain mo muna ako?" Mataray na sagot ng magandang dilag.

"Okay! Okay! Sorry na! Sorry na, miss!" Napapakamot sa batok na sagot nang nahihiyang si Peter.

"Di na importante ang pangalan ko. Ang kailangan mong malaman ay patay ka na." Pasabog ng magandang dilag na nagpakilala bilang isang diyosa. "At isa akong diyosa!"

"Ha?" Napasigaw si Peter sa pagkagulat. Ngunit hindi n'ya alam kung saan ba dapat mas magulat sa mga sinabi nito.

"Totoo ang sinasabi ko. Patay ka na at isa akong diyosa." Simpleng sabi ng babae.

Humagalpak ng tawa ang binata.

"Ako patay na? Eto ako at buhay na buhay. Tapos isa kang diyosa? Oo mala-diyosa ang ganda mo pero huwag mo naman akong gawing tanga. Prank ba ito, miss?" Lumingap-lingap si Peter. Hinahanap ang hidden cam.

Sa sumunod na ginawa ng magandang dilag ay namilog ang mata ni Peter.

Tumilansik si Peter mula sa kinatatayuan n'ya tungo sa pader ng puting kwarto. Nagulantang s'ya sa patunay na pinamalas nito.

"To-totoo ba ta-talagang di-di-diyosa ka?" Namamaluktot ang dilang tanong ng ating pobreng bida.

"Kanina ko pa sinasabi ang totoo. Ikaw lang itong hindi naniniwala. At isa pa hindi mo ba napansing hindi ka nasaktan sa layo at lakas ng pagtama mo sa pader." Dugtong pa ng diyosa.

Tumalon ang mga balikat ni Peter sa reyalisasyon.

"A-anong nangyari?" Malungkot na tanong ni Peter sa diyosa.

Inilahad naman ng diyosa ang nakalap n'yang impormasyon nang hinalughog n'ya ang memorya ng binata.

"Patay na pala talaga ako." Blangkong ang mukhang untag ni Peter.

"Tama 'yon but worry not. Bibigyan pa kita ng isang pagkakataong mabuhay." Deklarasyon ng diyosa.

"Talaga po?" Masiglang tonong sigaw ni Peter.

"Oo." Confident na sagot ng diyosa while feeling great about herself.

"Kung ganun salamat po in advance sa pagbalik n'yo sa'kin sa mundo ko." Ngiting pasasalamat ni Peter.

"Mukhang hindi tayo lubos na nagkakaunawaan. Di ka na maaaring bumalik sa'yong mundo. Patay na ang katawan mo at nakalibing na. Isa pa, hindi ko hurisdiksyon ang 'yong mundo." Paliwanag ng diyosa.

"Kung ganun ibig sabihin ma-i-isekai ako nito?" Namimilog ang mga mata sa gulat na sabi ni Peter.

Binigyan s'ya ng wirdong tingin ng diyosa.

"Mali! Paano na ang mga magulang ko?" Pagtatama ni Peter nang concerns n'ya.

Nawala ang wirdong tingin sa kanya ng diyosa.

"Wala ka nang magagawa. Oras mo na sa mundo mo. Matuwa ka na lang at may pagkakataon ka pang muling mabuhay."

"Kung ganun salamat po. Pero sana malaman ko ang dahilan ng tyansang binigay n'yo."

"Don't be surprised. Diyosa ako ng isang parallel earth. Ang mundong pinamamahalaan ko ay kaparehas ng sa inyo. Ngunit doon ay merong mga kapangyarihan ang mga tao. Gaya nang sa mga nababasa't-napapanood mo." Paliwanag ng diyosa.

Sa narinig na paliwanag ng diyosa ay nagsimulang ma-excite si Peter. Di n'ya lubos akalaing mangyayari sa kanya ang mga tipikal na pangyayari sa isang isekai novel.

Napalunok si Peter sa antisipasyon.

"Ang sibilisasyon ng planetang nasa hurasdiksyon ko ay tulad ng sa middle ages sa inyong mundo sa kasalukuyan." Dugtong pa ng diyosa.

Ngiting-ngiti na si Peter sa huling narinig.

"Pamilyar 'di ba? Tulad sa mga nababasa mong manga't novels." Sabi ng diyosa na ikinagulat ng binata.

"Nababasa mo po ba ang nasa isipan ko?" Tanong ni Peter na kasalukuyang pilit kumakawala ang puso sa kanyang dibdib.

"Hindi ko binabasa. Nabasa ko na nang kunin ko ang kaluluwa mo kanina. Alam ko na ang buong pagkatao mo. Masasabi kong mabuti kang tao kahit na isa kang wirdo." Ani ng diyosa.

"Salamat." Uminit ang puso ni Peter sa galak sa tinuran ng diyosa.

"I'll go straight to the point. Kaya kita ipapadala sa mundo ko ay dahil sa kaguluhang nagaganap doon. Sa aking palagay kailangan ko nang mag-intervene. Kaya naisip kong kumuha ng isang kamamatay lang na kaluluwa upang bigyan ng kapangyarihan at maging representative ko, at s'ya rin ang magreresolba sa kaguluhang nagaganap doon." Ang diyosa.

"Mawalang-galang na diyosa. Bakit ako? Nakita mo naman sigurong hindi ko kayang pumatay ng anumang nilalang. Kaya bakit ako?" Seryosong tanong ni Peter.

"Pinili ko ang kaluluwa mo randomly. Masasabi mong swinerte ka." Paglilinaw ng diyosa.

"I see. Gagawin ko ang makakaya ko. Nagagalak ako knowing that someone is relying on me. Ang matindi pa po isang tulad mo ang humihingi ng tulong. Pero nais ko lang sabihin na hindi ako gagamit ng dahas. Ano po ba ang makakalaban ko? Isang demon king gaya ng sa mga nobela?"

"Salamat sa pagtanggap sa misyong iniaatas ko. Hindi isang demon king ang makakasagupa mo. Kaliwa't-kanang digmaang sibil ang nagaganap sa aking pinamamahalaang mundo. Nais kong resolbahin mo 'yon sa paraang alam mo." Pagbubunyag ng diyosa na gumulat kay Peter.

"Civil war? Kung ganoon mga tao ang kailangan kong harapin?" Hindi makapaniwalang tanong ni Peter.

"Oo."

"Pwede pa bang magback-out?"

"Hindi!"

Bumuntong-hininga at nag-isip nang malalim si Peter.

Pinabayaan naman ng diyosa na mag-isip mabuti ang binata.

Hindi nagtagal binuka ni Peter ang bibig n'ya.

"Anong klaseng kapangyarihan ang ibibigay mo sa'kin? Maaari po ba akong mamili?"

"Oo. Sa umpisa pa lang balak ko nang bigyan ka ng pagkakataong mamili."

"Hindi ko alam kung pagbibigyan mo ako pero meron akong tatlong uri ng kapangyarihan na naisin." Paglalahad ni Peter ng mga kondisyon n'ya.

"Tatlo? Hindi ko akalaing meron ka rin palang tinatagong pagkagahaman sa pagkatao mo." Manghang sabi ng diyosa.

Tipid na tumawa ang binata.

Nilahad ni Peter ang mga nais n'yang makuhang kapangyarihan sa diyosa.

Matinding pag-iling ang natanggap n'yang sagot. Indikasyon nang matinding pagsalunggat ng diyosa.

"How about this? Bakit hindi na lang i-combine 3 in 1? Just remove some functions partially?" Suhesyon ni Peter.

Napangisi at napailing na lang ang diyosa kay Peter.

Nagkaroon na ng ideya ang diyosa sa pinaplano ni Peter.

"You're really greedy and creative about it. Interesting!" Napangisi si Peter sa statement ng kausap. Sa tono ng diyosa ay mukhang compliment 'yon rather than an insult.

Pumikit upang mag-concentrate ang diyosa. Kasunod noon ay kumunot ang noo n'ya hanggang sa malukot ang mukha n'yang maganda.

Pagdilat ng magandang diyosa ay nawala ang kulay sa mala-rosas n'yang mga pisngi.

"Congratulations! Naipasa ko na sa'yo ang gusto mong kapangyarihan after tweaking it for a bit. I'll start explaining it. Pagkatapos ay kailangan ko nang mamahinga. I consumed a lot of powers for your request. Promise me one thing. Be my representative and stop their madness, please?"

"Okay!" Kumukuyom na pangako ni Peter.

"Sabihin mo status." Nanghihinang utos ng diyosa.

"Status." Pagsunod ni Peter.

...

Name : Peter
Race : Human
Gender : Male
Age : 23
Lifespan : (40-90)

Title : Master of the Livelihood Dungeon!
- Let him use the unique skill Livelihood Dungeon!

Status :

Stats.

Strength : E
Resilience : E
Agility : E
Spirit : E

Main ability :

Livelihood Dungeon!

- A unique skill created by the parallel earth goddess for Peter to solely use.

Dungeon points : 10
Livelihood points : 10
Master points : 10

Sub-ability :

Appraisal

...

Inumpisahan nang i-explain ng diyosa ang bagong kapangyarihan ng kanyang representative na si Peter.

"Ang keyword sa paglabas at pagpasok sa dungeon ay, "dungeon open at dungeon close." Umpisa ng diyosa.

Nagpatuloy pa ang paliwanagan ng mga ilang minuto.

"Salamat diyosa!" Sinserong ngiti at pasasalamat ni Peter sa bagong oportunidad na ibinigay sa kanya ng diyosa.

Naglaho na lang nang parang bula sa harapan ng diyosa si Peter.

...

Sa paglalaho sa puting kwarto ni Peter lumabas ang isang higaan sa likuran ng diyosa. Otomatiko itong bumagsak dito. Hinang-hina ang diyosang nagsalita.

"Nais ko sanang subaybayan ang paraan mo sa pagresolba ng krisis ng aking mundo. Ngunit kakailanganin ko pang maghintay ng isang taon para mapanood ko ang sagot mo. Masyado akong maraming ginamit na kapangyarihan para sa interesentang kapangyarihang hiniling mo. Magkita na lang tayong muli makalipas ang isang taon, Peter." Kasunod noon ay ang mabigat na pagsasara ng mga talukap ng diyosa.