Chapter 1:

Unang kabanata : The boy who cried wolf!

Livelihood Dungeon! (Tagalog Version)


Sa pagbalik ng ulirat ni Peter sa pagdating n'ya sa mundo ng diyosa, agad n'yang narinig ang paglagaslas. Sa pagmulat ng kanyang mga mata, napanganga s'ya sa nakita. Sa harapan ni Peter ay ang isang matayog at mabatong burol.

Nang makabawi ang lalaki sa pagkamangha ay hinanap ng paningin n'ya ang naririnig na paglagaslas.

Sa kanyang pagyuko ay nakita n'ya ang makinang na dumadaloy na tubig. Muling namangha si Peter.

Sigurado na s'yang wala s'ya sa Earth.

Sa mahigit dalawampung taon n'yang pamamalagi sa mundo, ni isang beses ay hindi pa s'ya nakakita ng anyong tubig na kasinlinis ng nakikita n'ya sa kasalukuyan.

Hinawakan ni Peter ang kanyang mukha.

Sa sobrang linis ng tubig ay maaari ka ng manalamin.

"Wala namang pinagbago. Talaga bang namatay ako? Bakit 'yun na 'yun pa rin ang itsura ko?" Tanong ni Peter habang tinatagilid ang mukha, at nanliliit ang paningin.

Makaraang maglaho ang pagkamangha sa kalinisan ng tubig, inumpisahan ng magmasid sa paligid si Peter.

Tumalikod s'ya at nakita ang isa ring matayog at mabatong burol. Makaraan 'yon ay tiningnan n'ya naman ang bandang kaliwa n'ya.

Nakita n'ya ang matulin na pag-agos ng tubig sa makipot na batis. Hindi makita ni Peter ang dulo ng anyong-tubig.

Samantalang ang kinatatayuan n'ya ay isang makipot na daanang lupa sa pagitan ng burol at batis.

Pinahiran ni Peter ang pawisan n'yang noo.

Sinulyapan n'ya ang kalangitan. Itinabing n'ya ang kanang kamay sa tapat ng kanyang noo upang hindi direktang tumitig sa araw.

Ang langit ay hindi kulimlim. Mababa ang tyansang uulan. Ang bughaw na langit ay puno ng mapuputing palutang-lutang na kaulapan, na pawang mababagal na naggagalawan pasilangan.

Ang haring-araw ay marilag na sumisilay sa lahat ng nilalang na abala sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

Base sa obserbasyon ni Peter, patanghali pa lang ayon sa posisyon ng araw, maging sa init ng kapaligiran. Yun ay kung ang mundo ngang ito ay isang parallel earth gaya ng sinabi ng diyosa.

Iniluhod ni Peter ang isang tuhod sa lupa. Pinagsalikop n'ya ang dalawang palad. Ibinaba n'ya ang mga ito sa batid upang sumalok ng tubig. Hinilamos ng lalaki ang una. Ang mga sumunod ay nilagok ni Peter upang pawiin ang panunuyo ng lalamunan.

Naglakad si Peter paalis sa lugar.

Sa bawat paghakbang ay ang pawang pagkalabog ng bilanggo sa kanyang dibdib.

Pinaghalong kaba at pagkasabik ang nadarama ni Peter.

Kaba dahil wala s'yang kaide-ideya sa bagong mundong kanyang pananahanan. Nandoon na rin ang pag-aalala sa mga panganib na maaari n'yang kaharapin.

Sabik dahil sa mga inaasahang bagay at pangyayari. Tulad na lang ng kakayahang gumamit ng mahika.

Binaybay n'ya ang makipot na daanan sa pag-asang makakita s'ya ng anumang uri ng pamayanan.

...

"Waaa!" Makapatid-litid na sigaw ni Peter. Litaw ang kanyang ngala-ngala.

Matuling humahangos ang lalaki. Mas matulin pa ang takbo n'ya sa isang mananakbo sa Olympics sa binabaybay na kakahuyan.

Maya-maya lang ay lumabas ang isang lobo na malinaw namang humahabol kay Peter.

"Kapag minamalas ka nga naman."

Sa paglingon ni Peter sa likuran ay tuluyan ng nawalan ng kulay ang kanyang mukha.

Desperadong humahangos papunta sa kanya ang lobo. Ngunit hindi 'yon ang pangunahing alalahanin n'ya ngayon.

Literal na may mas malaking problema ngayon si Peter. Ang bulto sa likuran ng lobo na humahabol sa pobreng lobo.

Mas lalo pang kumaripas ng takbo si Peter. Tarantang-taranta ang lalaki na hindi n'ya na naalala ang tungkol sa kapangyarihan n'ya.

Dumamba ang higanteng bulto sa lobong humahabol kay Peter.

Nang ang bulto ay akma ng susunggaban ang lobo, isang mas malaking anino ang dumamba sa bulto.

Napatingin si Peter sa likuran n'ya nang may kung anong lumagabag doon.

Lumagabog ang puso n'ya sa matinding takot. Kinakain ng isang dalawang metrong itim na oso ang isang baboy-ramong bahagya lang na mas maliit sa oso.

Pinigilan ni Peter ang sariling masuka sa pagkaing ginagawa ng oso sa baboy-ramo.

Samantalang ang lobong humahabol kay Peter ay nakatuwad sa lupa. Nakatakip ang mga harapang paa sa kanyang mga mata. Nangangatog ang lobo.

Bahagyang naibsan ang takot ni Peter sa itsura ng lobo. Nakakaawa ito at kumpara sa higanteng oso at baboy-ramo, ang lobo ay nagmukha ng cute kay Peter. Sa laki pa lang nitong tatlong talampakang tangkad, at apat na talampakang haba ay nagmukha na itong tuta sa tabi ng dalawang halimaw.

Doon na pumasok sa isip ni Peter ang tungkol sa kapangyarihan n'ya.

"Dungeon open!" Lumabas ang isang lagusan sa harapan ni Peter mula sa kawalan.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinawalan ng lalaki.

Nakaramdam si Peter ng ginhawa. Nakaligtas s'ya sa tiyak na kamatayan sa hindi n'ya kilalang kakahuyan.

Papasok na sana si Peter sa Livelihood Dungeon nang huminto ang kanyang ihinakbang na paa sa ere. Naestatwa ang lalaki sa naririnig n'yang mahihinang pag-atungal.

Alam n'yang 'yon ang lobong takot na takot at nakasalampak sa mabuhanging lupa ng kakahuyan.

Nakokonsensya s'ya sa pag-iisip na iiwanan n'ya ang lobo sa kamatayan nito.

Nilingon n'ya ang lobo.

"Anong katangahan na naman ang pinapairal mo Peter? Gusto ka ngang gawing lamang-tiyan ng hayok na lobo na 'yan pero ililigtas mo pa. Kaya puro kapalpakan ang nangyayari sa buhay mo noon sa Earth dahil sa kabaitan mong 'yan. Hunghang kang tunay." Pinagalitan ni Peter ang sarili sa gagawing katangahan.

Matulin ngunit maingat na nilapitan ng lalaki ang lobo. Iyon ay sa pangambang maistorbo n'ya ang kumakaing higanteng oso at mapagdiskitahan s'ya.

Nang matagumpay n'yang malapitan ang lobo, kunot-noo n'ya itong kinalabit.

Sa ginawa, natahimik ang lobo at inalis nito ang nakatabing na mga paa sa mata.

Sumilay sa kanya ang taong balak n'ya sanang kainin kani-kanina lang.

Nakatapat ang isang daliri ng tao sa bibig nito. Iniling-ilit pa nito ng paulit-ulit ang ulo sabay turo sa likuran ng lobo.

Makaraan ang ilang pag-uulit ng aksyon lumingon ang lobo sa likuran n'ya at namutla.

Naintindihan n'ya na ang pilit sinasabi ng tao sa kanya.

Nilingon n'ya 'yon at paulit-ulit na tumango.

Sinenyasan din ng taong sumunod sa kanya ang lobo.

Tumayo ang lobo at ihinakbang ang isang paa sa harapan ngunit tumumba ang hayop sa panlalata.

Hindi pa ito lubusang nakakabawi sa nadamang takot. Nanginginig pa rin ang lobo.

Tiningnan ng lobo si Peter ng may maluha-luhang mata. Tila ba ay nakikiusap itong huwag s'ya pabayaan, na huwag s'ya nito iwanan sa kanyang kamatayan.

Nilapitan ni Peter ang lobo. Inalalayan n'ya itong tumayo. Kasunod noon ay ikinulong ng lalaki ang lobo sa kanyang bisig.

Pumasok si Peter kasama ang lobo sa loob ng Livelihood Dungeon!

...

Pagkasarang-pagkasara pa lang ng Livelihood Dungeon ay nawalan na ng lakas si Peter. Napasalampak s'ya kasama ang lobo sa madamong lupa ng dungeon.

Nang makabawi ng lakas ay tiningnan ni Peter ang katabing mabangis na hayop sa kanyang tabi.

Napalunok ng sunod-sunod si Peter nang maalalang isa rin itong panganib sa kanya.

Napasign of the cross ang ating may pagkatanga at porbeng bida.

Tila naramdaman ng lobo ang titig ng lalaking nagligtas sa kanya.

Tinitigan n'ya rin ang tao na ngayon ay marahang umaatras palayo sa kanya.

Tumagilid ang ulo ng lobo sa pagtataka sa kinikilos ng tao.

Marahang tumayo ang lobo at lumapit sa tao.

"Hindi! Huwag kang lumapit. D'yan ka lang." Nangangatal na boses na utos ng tao sa lobo.

Hindi 'yon maintindihan ng lobo. Ngunit alam na alam n'ya ang uri ng panginginig ng boses ng tao ngayon. Ganoong-ganoon ang boses ng mga pagkaing kinain n'ya sa nakaraan bago n'ya sila gawing lamang-tiyan.

Bilang pagpapakitang wala s'yang masamang balak, huminto ang lobo at naupo sa madamong lupa. Nanatili lang ang lobo sa pagkakaupo.

Ilang sandali pa ay nahimasmasan na ang tao sa pinapakitang aksyon ng lobo.

Umalik-ik si Peter sa aliw sa pinakikita ngayon ng lobo. Parang isang maamong aso ang lobo sa kanyang harapan.

Doon nabuo ang isang ideya sa utak ng may-ari ng Livelihood Dungeon.

"Natural ay mukha ka namang mabait, subukan natin sa'yo 'yon." May nakakalokong-ngiting turan ni Peter.

Tapos noon ay sinitsitan n'ya ang lobo at pinalapit gamit ang hintuturo n'ya.

Mabilis pa sa alas-cuatrong sumugod ang lobo kay Peter.

Napahandusay si Peter sa damuhan. Basang-basa ang mukha n'ya. Nakakaamoy din s'ya ng lansa at baho mula sa lobo.

"Tama na!" Suway dito ni Peter sabay mahinang tinulak ang lobo.

Malungkot na umungol ang lobo sa pagpapatigil sa kanya ng kanyang tagapagligtas.

Natawa naman si Peter sa inasta nito.

"Status!" Bigkas ni Peter.

...

Name : Peter
Race : Human
Gender : male
Age : 23
Lifespan : (40-90)

Title : Master of the Livelihood Dungeon!
- Let him use the unique skill Livelihood Dungeon!

Status :

Stats.

Strength : E
Resilience : E
Agility : E
Spirit : E

Main ability :

Livelihood Dungeon!

- A unique skill created by the parallel earth goddess for Peter to solely use.

Dungeon points : 10
Livelihood points : 10
Master points : 10

Sub-ability :

Appraisal

...

Kasunod noon ay tumungo s'ya sa shop ng Livelihood Dungeon.

...

Shops

Dungeon shop!

Livelihood shop!

Master shop!

...

Pinindot n'ya ang livelihood shop kung saan naroroon ang kailangan n'ya.

...

Livelihood shop!

Seeds

- Buy crops and tree seeds.

Fertilizers

- Magical fertilizers that helps the monstrous growth of the crops and trees.

Crests

- Buy to make an animal or a monster as a pet. Immediately establish a connection between the pet and master's souls.

...

Clinick n'ya ang crest na pakay n'ya sa shop.

...

Are you sure you want to buy a crest of friendship for 10 Livelihood Points?

Yes 👈 or No

...

Clinick ni Peter ang yes. Sa pagpindot n'yang 'yon, may lumabas na imahe sa ulo n'ya.

...

As this is your first time of buying a crest of friendship, you will need to set a design to make your unique crest.

...

Sa isipan ni Peter ay may mga lumabas na gamit pandisenyo sa kanyang crest.

Tumango naman si Peter na akala mo ay may makakakita sa kanyang pag-ayon.

Sinimulan 'yong gawin ng lalaki.

Meron na s'yang ideya kung anong uri ng disenyo ang ilalagay.

Una n'yang inayos ang hugis ng crest.

Ginawa n'ya itong simple.

Isang bilog na hugis.

Sunod, at ang huling disenyo ay isang kalabaw.

Gusto lang ni Peter na maging isang kalabaw ang kanyang crest sapagkat naging posible ang transmigration n'ya dahil sa alagang kalabaw na si Carabao-kun.

Namatay man s'ya dahil kay Carabao-kun, hindi naman isinisisi ni Peter ang kamatayan sa alaga. Aksidente ang nangyari.

"Ano na kayang nangyari kay Carabao-kun? Okay lang kaya s'ya? Sana naman ay hindi s'ya pinakatay nila itay dahil sa nangyari sa'kin." Nag-aalala at nakokonsensyang mga tanong na walang kasagutan sa sarili ni Peter.

Matapos ang pagdidisenyo ay finalize n'ya na ang final form ng crest of friendship.

...

Sa pagbalik ng ulirat ni Peter sa loob ng dungeon ay meron na s'yang hawak-hawak na isang bagay.

Ang crest of friendship na may disenyong kalabaw.

Tila mahikang alam na ni Peter kung paano gagamitin ang crest. May kung anong nag-uudyok sa kanyang 'yon ang kailangan n'yang gawin. At 'yun nga ang ginawa n'ya.

Nilahad n'ya ang crest of friendship sa harapan ng lobo.

Napalunok si Peter sa kaba. Kinabahan s'ya para sa moment na ito. Ang lobo ang posibleng maging una n'yang companion.

Nagliwanag ang mukha ni Peter ng nag-respond naman ang lobo sa paraang gusto n'ya.

Pinutong nito ang kanyang isang paa sa nakalahad na palad ni Peter, kung saan nakalagay ang crest of friendship.

Sa pagdampi ng paa ng lobo sa crest, naglabas ng nakasisilaw na liwanag ang dalawa.

.
.
.
.
.

Nang mawala ang liwanag na bumabalot kay Peter at sa lobo meron ng marka ng crest sa noo ang lobo.

Hindi napigilan ni Peter ang sariling hindi tumawa.

Kakatwa kasing talaga ang itsura ng una n'yang kaibigan. Isa itong lobo ngunit meron itong tattoo sa noo ng isang kalabaw.

Nang mahimasmasan si Peter ay inobserbahan n'ya ang lobo.

Masaya itong nakatitig sa kanya.

Nagtaka si Peter dahil sigurado s'yang masaya ito habang nakatitig sa kanya.

Doon pumasok sa isip n'ya ang connection na sinasabi sa description ng crest.

"Ako nga pala si Peter." Pagpapakilala n'ya sa lobo.

Tila 'yon ang naging hudyat para sa lobo. Kinawag-kawag nito ang buntot n'ya.

Napamaang si Peter sa sunod na ginawa nito.

Tumihaya ito habang kinakawag ang buntot. Nakalabas ang dila, at pinakikita n'ya kay Peter ang kanyang tiyan. Tila ba naghihintay itong himasin ng kanyang tagapagligtas ang kanyang tiyan.

Hindi tuloy malaman ni Peter ang gagawin sa hindi inaasahang asta ng lobo.

Hanggang nagdesisyon s'yang himasin ang tiyan nito matapos n'yang makita ang expectant na tingin ng lobo.

"Kailangan mo ng pangalan." Sabi ni Peter pagkatingin n'ya sa status ng lobo.

...

Pet

Name : -----
Race : wolf (normal)
Gender : male
Age : 1 year and 2 months
Lifespan : 3-30 years

Stats.

Strength : E
Resilience : E
Agility : E
Spirit : D

Ability :

Cockroach's tenacity

- Cockroaches have the most tenacious survivability. And the one who have this ability is just as tenacious.

...

"Simula ngayon ikaw na si Ichiro. Ang meaning ng Japanese name na 'yan ay firstborn son. Very fitting." Masiyang sabi ni Peter.

Mukha namang walang problema ang lobo roon na ngayon ay may pangalan ng Ichiro.

...

Name : Ichiro
Race : wolf (normal)
Gender : male
Age : 1 year and 2 months
Lifespan : 3-30 years

...

"Alright! I got my first partner, a wild wolf." Tinaas ni Peter ang nakakuyom n'yang kamao.

...

"Dungeon close!" Bigkas ni Peter.

Kumulo ang tiyan n'ya nang makita ang iniwang karima-rimarim na eksena ng higanteng oso. Ang gula-gulanit at dunguang bangkay ng higanteng baboy-ramo.

Pinaspasan ni Peter ang pag-alis sa lugar sa takot na ring balikan ito ng higanteng oso, at sila namang dalawa ng katabi n'yang lobo ang maging pagkain nito.

...

Nais pa sanang manatili ni Peter sa loob ng kanyang dungeon upang aralin 'yon. Ngunit masyado s'yang maraming kailangan gawin para unahin 'yon. Kaya naman bininbin n'ya muna ang pag-aaral ng kanyang dungeon.

Pinakaimportante sa lahat, kailangan n'ya munang humanap ng pampupunan sa kumakalam n'ya ng sikmura. At ganun na rin para sa lobo, kung hindi baka s'ya pa ang mapagdiskitahan nitong kainin.

.
.
.
.
.

Binaybay nila ang kakahuyan ng may pakay na hanapin ang daan palabas sa lugar na ito.

Umaasa si Peter na naunawaan ng lobo na nais n'yang ituro nito sa kanya ang daan patungo sa pinakamalapit na pamayanan.

.
.
.
.
.

"Urgh!" Naduduwal na asta ni Peter nang abutan s'ya ng isang patay na kunehong kagat-kagat ng lobo.

Nakatitig lang ang lobong si Ichiro sa naduduwal na si Peter.

Tama kaya ang naging desisyon kong sumama sa master ko? Tanong ng lobo sa isip n'ya.

...

"Sa wakas!" Tuwang-tuwang turan ni Peter.

Matagumpay s'yang nakalabas sa delikadong kakahuyan sa tulong na rin ni Ichiro.

Idagdag mo pa rito na nakikita n'ya rin ngayon ang isang malawak at payak na pamayanan.

Nilalakad nila ni Ichiro ang madamong daanan patungo sa pamayanan.

Langhap na langhap ni Peter ang masamyong simoy ng hangin.

Napangiti s'ya ng makita ang ilang baka habang s'ya ay papalapit na sa pamayanan.

Nawala ang focus n'ya sa mga baka nang mapansin n'ya ang isang papalapit na bagay.

At nang papalapit na ito ay napagtanto ni Peter na isa itong tao. Nagmamadaling pinapasok ni Peter si Ichiro sa Livelihood Dungeon! Nagsimula kasing nagsisigaw ang isa palang batang lalaki.

Namutla si Peter sa malinaw na pagkakamali. Masyado s'yang nasabik sa pagkakita ng isang pamayanan na nalimutan n'ya na na isang lobo si Ichiro.

Nag-panic si Peter lalo na nang marinig n'ya ang sinisigaw ng batang lalaki.

"May papalapit na lobo. Itago n'yo ang mga alaga n'yo." Nagmamadali itong tumakbo pabalik sa lugar kung nasaan ang mga baka.